Kung mga casino games ang pag-uusapan, ang online roulette ay isa sa pinaka-popular na laro ngayon online. May iba’t-ibang dahilan kung bakit ito ay popular at makikita sa halos lahat ng casinos tulad ng 888 Casino Philippines. Una, ang 888 roulette ay simple lamang. Kailangan mo lang tumaya sa isang number, kulay, o grupo ng numero.
Kung ang bola ay huminto sa taya mo, ikay ay panalo. Bukod dito, madaling manalo sa larong ito kung alam mo lang ang tatayaan mo. Halimbawa, kung duon ka lang sa ‘even-money bet’ gaya ng Low/High o Odd/Even, meron kang halos 48 porsyento na puwedeng manalo. Bukod sa pagbibigay pagkakataong manalo, ito rin ay nagsisilbing pampalipas oras.
Bago maglaro, importante na alam mo muna ang mga panuntunan.. Ang online rouletteay isang laro na kung saan maari kang manalo ng premyo. Ito ay makukuha lamang kapag ang bola ay lumapag sa iyong napiling numero o kulay at grupo ng mga numero.

Maglaro ng Roulette sa 888 Casino
Isa sa mga magandang casino na maaring maglaro ng online roulette ay sa 888 Casino. Pag-aari ng 888 Holdings PLC, ang casino na ito ay nagbibigay ng oportunidad sa man-lalaro na sabay na manalo at mag-enjoy. Bilang isang popular na casino, ang 888 Casino ay lisensyado at suportado ng mga kilalang software vendors gaya ng Netent, Evolution Gaming, at ng kanilang in-house software provider. Bukod dito, ang casino na ito ay mayroong iba’t-ibang uri ng 888 roulette na babagay sa lahat ng manlalaro. Upang mas lalong maintindihan ang laro, basahin ang aming ginawang gabay.
Pangunahing Layunin sa Larong Roulette
Ang roulette ay isang laro na nakadepende sa swerte lamang. Walang anumang tiyak na stratehiya upang masiguro na ikaw ay mananalo sa larong ito. Ang pangunahing layunin ng roulette ay hulaan nang tama kung saang numero titigil ang bola. Panalo ka kapag ang bola ay lumapag kung saan mo inilagay ang iyong taya. Kapag ang bola naman ay lumapag sa ibang numero o kumbinasyon na wala kang taya, wala kang panalo. Ang iyong natalong taya ay kukunin ng casino at magsisimula ulit ng panibagong laro. Mas malaki ang tyansang manalo kapag alam mo ang basics ng laro.
Tandaan na hindi sa lahat ng oras ay laging panalo. Ito ay laro ng tyansa na hindi tiyak kung anu ang magiging resulta ng laro. Ang online casino na ito ay gumagamit ng random number generator (RNG). Ito ay teknolohiya upang mapanatili ang pantay at malinis na resulta ng laro sa lahat ng oras.
Alamin ang Roulette Wheel na Magagamit Bago Maglaro
Mayroong iba’t ibang uri ng online roulette wheel. At tataas ang iyong ang tyansa na manalo kapag alam mo kung ano ang kaibahan ng mga ito. Ang popular na uri ng roulette wheel ay ang American roulette at European roulette. Nagkakaiba ang dalawa sa bilang ng numero na maaaring lagyan ng taya. Ang mga slots ay maaring maging kulay itim or pula na may numerong mula 1 hanggang 36. Ang mga numero ay nakaayos ng hindi magkakasunod sunod sa roulette wheel.
- European Roulette. Masasabing ang isang roulette wheel ay European kapag ito ay may 37 na slots. Mayroon din itong slot para sa single zero (0) na syang malaking kaibahan sa American roulette wheel.
- American Roulette. Ito naman ay mayroong single zero (0) at double zero (00) na slot. Sa kabuuan, mayroon ng 38 slots sa American roulette. Mas kaunti ang tyansa na manalo sa American roulette kaysa sa European roulette dahil sa karagdagang slot ng numero. Ang kaalaman tungkol sa uri ng roulette wheel ay malaking tulong upang maiwasan ang labis na pagkatalo na madalas.

Maglaro ng Live Roulette sa 888 Casino
Bukod sa popular na bersyon ng European at American, mayroon din tayong tinatawag na live roulette. At ang bersyon na ito ay makikita din sa 888 Casino bilang parte ng kanilang live dealer casino solutions. Maaari kang maglaro ng live roulette kahit nasa bahay ka lang. Gamit ang iyong Android cellphone o kompyuter, makakapaglaro ka ng 888 roulette. Sa casino na ito, mismong live croupier ang gagabay saiyo habang naglalaro. Mula sa paglagay ng taya hanggang sa pagbabayad ng mga panalong taya, ang isang propesyonal na dealer ang tutulong sayo.
Sa paglalaro ng online casino roulette, para ka na ring naglaro sa isang aktwal na casino. Ang mga popular na pagpipilian ay Live Immersive Roulette, Live 888 roulette, at Live Auto-Roulette. Sa roulette live at sa iba pang uri ng roulette, awtomatikong binabayaran ang mga taya na panalo.
Magkamit ng Online Roulette Bonus sa 888 Casino
Kapag ikaw ay nag member sa 888 Casino, maaari kang makakuha ng 888 roulette bonus. Ang bonus na ito ay alinsunod sa polisiya ng casino. May iba’t-ibang uri ng bonus na puwede mong makuha sa 888 Casino. Mayroon tayong 888 roulette bonus kapag ikaw ay gumawa ng account, at meron ding bonus kapag nag reload ka ng account mo. At kapag sumali ka sa iba’t-bang promosyon at kompetisyon sa casino, maaari kang manalo ng bonus na puwede mong gamitin sa paglalaro ng 888 roulette. Tandaan lamang na may mga panuntunan na dapat sundin tulad ng wagering requirement at ang validity period nito.

Paglalagay ng Taya sa 888 Roulette
Bago maglaro, kailangang malaman ang mga paraan at hakbang para maglaro ng 888 roulette. May dalawang uri ng taya sa 888 roulette online. Maaring kang maglagay ng taya sa pamamagitan ng ‘Inside Bets’ at ‘Outside Bets’.
Ang inside bets ay inilalagay sa isa o mahigit pang numero sa roulette wheel. Samantalang ang outside bets ay inilalagay sa grupo ng mga numero. Maaaring makategorya ang outside bets sa pamamagitang ng kulay, dosena at uri ng numero. Maaari ring tumaya sa mahigit pang kombinasyon upang mas malaki ang tyansang Manalo. Ngunit upang magawa ito, mangangailangan ng mas malaking bankroll. Tandaan na maglaan lamang ng sapat na pera sa pagtaya at huwag gumastos na higit pa sa kakayahang gumastos.
Maaaring tumaya depende sa budget na maaaring magamit sa paglalaro ng 888 roulette. Inirerekomenda na gumamit ng betting limits upang makaiwas sa labis na pagkatalo. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng inside bets.
1.Straight – Taya na maari lamang ilalagay sa isang numero.
2.Split – Taya na maaaring ilagay sa gitna lamang ng numero.
3. Corner – Maaring tumaya sa apat na kombinasyon ng numero
4. Street – Taya na maaari lamang ilagay sa tatlong kombinasyon ng numero.
Bukod sa inside bets, mayroon din tayong tinatawag na ‘Outside Bets’. Halimbawa, maaaring tumaya sa pula o itim, even./odd, kolum o dosena. Maaari ring maglagay ng high or low bet. Ang low bet ay nagsisimula sa 1 hanggang 18, samantalang ang high bet ay nagsisimula sa 19 hanggang 36. Sa taya naman na dosena, maaari kang pumili ng unang grupo ng labingdalawang numero. Maaari mo ring piliin ang pangalawa o pangatlong grupo ng labing dalawang numero.
Malaking tulong kung alam mo kung paano isa-ayos ang iyong taya. Hindi man ito magbigay ng kasiguraduhan, makakaiwas ka naman sa labis na pagkatalo. Kapag nakaranas ng pagkatalo, matutong tumigil lalo na kung ang pera na nakalaan sa paglalaro ay naubos na. Kung nais maglaro at maglibang ng walang nilalabas na pera, maaaari kang maglaro ng Libreng Laro Mode. Ang roulette ay laro ng tyansa at walang tiyak na uri ng taya ang siguradong magbibigay ng panalo sa iyo.
Maglaro ng 888 Roulette Gamit ang Mobile
Hindi kailangang gumamit ng desktop para makapaglaro ng 888 roulette. Kung ang iyong cellphone ay gumagamit ng Android or iOS operating system, maaari ka ng mag-sign up at maglaro ng 888 roulette. Maaasahan na ang paglalaro nito ay ligtas pati na sa pagdeposit o pag-withdraw ng iyong pera. Lahat ng ito ay posible dahil ang casino na ito ay gumagamit ng SSL encryption technology upang masiguro na ang lahat ng transaksyon ay iwas sa scam o internet fraud. Maaasahan rin ang HD graphics sa paglalaro, kaya para ka na ring naglaro sa aktwal na casino. Ang paglalaro ng 888 roulette gamit ang iyong mobile ay pinakamabisang paraan para makapaglaro ka ng casino kahit nasaan ka man.
Paalala sa Paglalaro ng Online Roulette
Sa kabuuan, ang paglalaro ng 888 roulette sa casino na ito ay masaya at makahulugan. Ang roulette ay laro na nakasalalay sa swerte. Maaari kang gumamit ng mga stratehiya kagaya ng Martingale System. Ngunit walang kasiguraduhan na ikaw ay laging panalo sa lahat ng laro mo. Maaari lng maging gabay ang mga stratehiyang ito upang maiwasan na malugi ka o maubos ang perang nakalaan sa paglalaro. Ang casino na ito ay sinusuportahan ang responsableng paglalaro kaya nagtatalaga ito ng limits sa lahat ng laro.
888 Roulette FAQs
Paano maglaro ng 888 roulette?
Para makapaglaro ng casino 888 roulette, kailangang mag login sa iyong casino account. Kung ikaw ay hindi pa miyembro, maaaring magsign up sa casino.
Ligtas at patas bang maglaro ng 888 roulette sa 888 Casino?
Oo. Ligtas at patas ang paglalaro ng 888 roulette dahil gumagamit ang casino ng random number generator (RNG). Bukod pa dito, ang 888 Casino ay isang lisensyadong casino na pinamamahalaan ng 888 Holdings PLC. Isa itong kompanya na sumusunod sa batas ng Gibraltar. Bukod pa rito, gumagamit rin ng SSL technology ang casino na ito upang mapanatili ang seguridad sa mga pinansyal na transaksyon.
Alin sa European roulette o American roulette ang mas magandang piliin?
Mas malaki ang tyansang manalo sa European 888 roulette keysa sa American Roulette. Ito ay dahil sa karagdagang slot na matatagpuan sa huling nabanggit.